Nakakita ka na siguro ng ginisang sibuyas at bawang. Depende sa tapon mo sa nagbabagang mantika ang tindi ng talsik na babalik sa iyo.
Kung malakas ang tapon mo, ay malakas ang talsik na babalik sa iyo ngunit kong mahina ang tapon, mahina naman ang talsik.
Ganoon din ang pag-aaral. Kapag masyado mong pinipilit ang sarili mong mag-aral ngunit hindi ka naman nasisiyahan, hindi ka magiging matagumpay. Una'y hindi mo gusto ang ginagawa mo at wala kang ginagawa kung hindi magseryoso sa bagay na alam mong hindi ka magiging seryoso.
Mensahe ko lang ay kung isa tayong kamay na may hawak ng sandok, wag natin itatapon ang sibuyas at bawang ng biglaan dahil takot tayong matalsikan. Dahan-dahanin natin upang maging maganda ang daloy.
-Editor
Monday, December 5, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment