Noon ay dahas na himagsikan ang nangyayari sa bawat pakikipagsapalaran at pakikipagdigmaan ng mga Pilipino noon. Sa bawat pakikipagsapalaran nila ay dala ang galit hatid ng hindi pantay na pagtingin, pagpapataas ng buwis at pagkitil ng buhay ng walang pantay na paglilitis. Dala nila ang espada at mga kalasag, at balewala sa kanila ang pagkamatay kung ang kapalit naman nito ay ang pagpigil ng mga mandarayuhan sa paggawa ng mga bagay na nakakasakit sa kanilang kababayan. Ang mga Pilipino ay nagsasama noon upang kalabanin ang mga mandarayuhan upang iligtas ang iba pang henerasyon laban sa karahasang dinadala nila sa atin.
Sa kasalukuyang panahon ay makabago na rin ang pakikipaglaban ng mga Pilipino. Isa na roon ay ang mapayapang pakikipaglaban o 'prayer rally', tulad ng EDSA People Power Revolution. Kinalaban nila ang karahasan ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagdasal at pagdaraos ng misa upang matigil na ang gulo. Isa rin ang pag 'rally'. Ibinibigay nila ang saloobin nila sa pagsisigaw at pagmumukmok sa pamahalaan sa ganoong paraan. Kumpara sa bagay noon, ang pakikipaglaban ng mga Pilipino ay kasing tapang din ngunit hindi kasing kadugo ng laban noon.
Isa lang ang parehang-pareha sa pakikipaglabang ito. Nagsasama-sama ang mga Pilipino at kailanman ay magkaramay sa bawat sitwasyon. Pinapakita ng mga Pilipino na kung mag-isa lang sila, hindi magiging posible ang mga bagay na minimithi nila. Ang pagkakaroon ng kapatiran ay importante sa pag-abot ng ating mithiin. Pinapatibay nito ang puwersa at ang tsansa ng ating pagtatagumpay.
Nawa'y matuto tayo na magsama-sama sa bawat problema sa buhay. Maging pamilya man, o pagkakaibigan, sa unos at kagandahang pangyayari, magsama-sama tayo. Dahil ang susi sa kaunlaran ay ang pagsama-sama. Mamamayan tayo at ang dapat sa atin ay nagkakaroon ng isang mithiin: ang kapayapaan at kaayusan ng ating bansa.
0 comments:
Post a Comment