
"Mahal na hari at reyna, pupunta si Tatiana sa ating kaharian. Bibisita siya dahil may nabatid siyang masamang pangyayaring mangyayari sa iyo," wika ng umalohokan.
Kinwestyon ito ni Bagari sa kaniyang sarili sa kaniyang kinaroroonan.
"Sino si Tatiana? Ano ang kailangan niya sa pamilya ko? Walang tiwala ang mga kawal dito sa akin, kaya naman ay kailangan kong humagilap ng tutulong sa akin. Doon muna ako sa kuwarto upang kausapin ang bato."
Pumunta siya sa kaniyang kuwento at tinanong niya ang bato.
"Bato ng dakilang tubig, sino ang makakatulong sa aking makahagilap ng sagot sa aking katanungan. O, bato, tulungan mo akong mahanap ang makakatulong sa akin," dasal ni Bagari.
Lumiwanag ang kuwintas na bato. Nagpakita ito ng isang imahe ng taong pugita. Nasa kailaliman ito ng dagat ngunit kaya naman niyang mag katawang-sirena kaya't kahit sabihin niyang napakalalim nito ay kaya niya pa ring sisirin.
Hindi na siya nag-aksaya ng panahon at umalis na.
0 comments:
Post a Comment