Saturday, May 12, 2012

Akdain: Ang Ikalimang Balahibo ni Anopiles

Episode 5: Ang Awit ng Pagsubok

Gabi na. Bilog ang buwan at makulimlim. Tanging ang ningning ng buwan ang nakikita sa templo ng mga Ay' Dhar.

"Handa na ba kayo sa pag-awit?" wika ni Anopiles.

"Handa na kami," wika ng apat.

Ginawa nila ang ritual.

Ago Data,
Tawipata as gama kana in Anopiles,
Umpas gid tawap ya Anopiles,
sakaam gan Ay' Dhar.
Tawipata an as daliman nnopana.
Diyos, ginddi toi nala
Tupiad es daliman nnnopana.
Il es Ago man gi.

Pag isinalin ito sa Tagalog ay,

Awit ng Pagsubok,
ipataw sa mga anak ni Anopiles,
Sumpang pinataw kay Anopiles,
kasama ang mga Ay' Dhar.
Ipataw na sa madaling panahon.
Diyos, dinggin itong panalangin,
Tuparin sa madaling panahon,
Ibigay na ang pagsubok at tulungan kami.

Lumindol ang buong templo at lumiwanag ang mga Ay' Dhar. Naging tao ang lahat ng mga diwata maliban kay Anopiles. Naging lawin ito at tinanong ito sa Diyos.

"Aking Diyos, lahat sila ginawa mong diwata na anyong tao, ngunit ako, lawin. Ano ba ang ipapataw niyong pagsubok sa akin?" wika ni Anopiles.

"Aking anak, kailangan mo ito, dahil ikaw ang papaslang sa dapat na makakuha ng ikalimang balahibo. Kailangan kang mamatay upang may mabuhay," wika ng Diyos.

Dahil sa tindi ng galit ni Anopiles sa mahabaging Diyos ay umalis siya at pumunta sa kagubatan.

"Kahit pa anong pagtatampo ang ibigay sa akin ni Anopiles, ay mangyayari pa rin ang nakatakdang mangyari," wika ng Diyos.

"Humayo na kayo, mga Ay' Dhar, at magsisimula na ang pagsubok ng karapat-dapat maging pinuno ng Edessa," wika ng Diyos.

Naglaho na ang Diyos, at kasabay nito ang paglaho ng mga Ay' Dhar.

0 comments:

Post a Comment