Tuesday, April 24, 2012

Opinews: Isang Marahas na Hapon...

Nakaraan ng isang araw ay naging usap-usapan ang demolisyon sa Silverio Compound, lungsod ng Paranaque, Abril 23, 2012. Maraming nasugatan at nasaktan, at may isa pang nasawi sa demolisyong naganap. Hindi ito lubos matanggap ng mga residente sapagkat ang talipapang sinira ay kinagagalingan ng kanilang hanapbuhay at wala silang magiging hanapbuhay kung nasira iyon.

Paano ba naman ay napuna namin ang alkalde nilang si Mayor Bernabe ay nagsabi raw na walang demolisyong magaganap sa Paranaque, kaya nama't hindi na ako magugulat nang nagyari ito. Kung biglang sisirain ng pulis ang iyong bahay ng walang paalam o abiso, o kunyari sinabihan ka ng pangakong hindi wawasakin ang bahay mo, sa tingin mo ba ay hindi ka magagalit?
Isa pa rito ang marahas na pakikipaglaban ng mga pulisya sa mga residente. Ang iba ay walang ginawa kung hindi makipagbatuhan sa mga pulis at imbis na awatin nila ito ay nagpaputok pa ang pulisya ng baril at nabalitaan ko sa telebisyon ay may sugatan pa raw dahil sa bala ng baril. Siguro ay nagkagantihan lang sa pagkakataong ito, ngunit mas pinilit pa nilang lumala ang gulo at engkwentro nila. Ang parehang panig ay mali, sapagkat may magandang dahilan naman siguro ang alkalde kung bakit niya pinawasak ang nasabing compound.

Nakakaawa ang mga ganitong sitwasyon. Kung mangyari man sa atin ito, siguro ay madadaan naman sa usapan lahat. Kung sa tingin niyo ay mababaw ang usapan, maghanap kayo ng kasagutan sa mga tanong ninyo. Hindi dahas ang laging pampuna sa mga ganitong pangyayari. Laging may solusyon sa problema. Lagi nating tatandaan na sa bawat pintuang sumasara, may bintanang bumubukas. Nandiyan pa ang oportunidad. Isang beses lang natin ito makakasama, at nasa mga palad na natin ito. Bumangon tayo at tanggalin ang kaisipang hindi makabubuti. Balutin muli ng positibong ugali ang buhay upang maging maganda rin ang tadhana. 

Pupuwede kang mabuhay ng walang pera, dahil hindi naman iyon ang importante. Kung nagmamahalan tayo sa mundong ito at isinasaalang-alang natin ang kapakanan ng iba kaysa sa ating sarili ay hindi magiging magulo ang ating bansa. 

0 comments:

Post a Comment