Thursday, May 3, 2012

Morals: Ang Anak ay Isang Buhos ng Ulan

Ang ulan ay isang mapariwarang bagay. Aalis ito sa kanilang kinaroroonan, sa langit ngunit wala ring mangyayari kung hindi bumalik uli sa kinaroroonan. Ang buhay ay para ring ulan. Tayong mga kabataan ay tumatalikod sa ating mga magulang, sinsagot-sagot ang kanilang mga tanong at higit sa lahat ay hindi natin ginagalang ang kanilang mga desisyon. Umaalis tayo ngunit nasa huli lagi ang pagsisisi. 

"Tama nga pala si Inay at Itay," wiwikain ng isang taong napariwaara dahil sa maling desisyon, na hindi na mababawi at pinalitan na lahat ng gawing karapat-dapat.

Ang mundo ay isang pabilog na daigdig. Kahit anuman ang asamin natin sa ating mga sarili ay ulan tayo. Umaalis man tayo sa piling o gawain na kinagisnan natin, may mapagtatantuan tayong resulta rito at babalik tayo sa dati nating kinagawian upang alamin ito ng mabuti at maunawaan ang mga desisyon nating pinili.

Ngayong hapon, nais kong sabihin na hindi pa huli ang lahat. Magdesisyon tayong mabuti upang hindi mapariwara. Ang oras natin ay hindi ganoon katagal para mag-isip nng padalos-dalos. Sa mga anak na napapariwara ngayon sa kanilang mga magulang, pag-isipan niyo ito. Wala namang magulang na maghahangad ng kasamaan sa anak. Balansehin natin ang panahon ng pag-iisip sa ating desisyon at sa desisyon ng iba.

Magandang araw. 

0 comments:

Post a Comment