Tuesday, May 1, 2012

National: Araw ng Manggagawa

Walang proseso ng pag-unlad sa ating bansa kung walang mga manggagawa. Sila ang nagtratrabaho para sa ating bansa at tumutulong na pataasin ang ating ekonomiya. Sama-sama silang nagtutulungan para mapaganda ang buhay ng isa't isa at ginagawa ang lahat upang matulungan lahat na magkaroon ng isang masayang pamumuhay sa bansa.

Bigyang pugay natin sila sa mga ginagawa nila. Kahit sa loob man ng ating bansa o sa ating bansa, kailangan nating alalahanin na tinutulungan nila tayong makamit ang ating mithiin.

Isang bagay lamang ang nais naming sabihin sa kanila, at iyon ay maging pursigido sa trabaho. Hindi dapat ginagawa ang trabaho para lamang sa pera. Ito ay dahil kung hindi mo mahal ang ginagawa mo, magkakapera ka nga, ngunit isa ba itong "fulfillment" sa parte mo?  Kailangan, kung gusto mong umasenso, kailangan mahalin mo ang trabaho mo at maging dedikado ka sa mga pinapagawa sa iyo. Sigurado akong kahit anong kalupitang hatid ng trabaho ay kayang-kaya pa rin ng isang manggagawa dahil gusto niya ito at walang pumipilit sa kaniya.

Sa mga manggagawang dedikado sa kanilang trabaho, saludo ako sa inyo. Kahit pa man brain-drained na ang Pilipinas, huwag tayong mabahala. May kabataan pa namang pag-asa ng bayan. Dapat nating mahalin ang pag-aaral upang matutunan din nating mahalin ang trabaho na ating papasukin sa hinaharap.

Magandang Araw sa inyo!

0 comments:

Post a Comment